7 Diskarte Dishes sa Halagang P100 or Less
Kasama ang MAGGI® MAGIC SARAP®, kayang kaya mo nang magluto ng ulam na masarap na, tipid pa sa oras, at pasok pa sa budget! Subukan itong mga All-in-ONEderful, affordable recipes na hinanda namin para sa ‘yo!
- All-in-One Tortang Giniling
Hindi kumpleto ‘tong affordable dishes list kung walang All-in-One Tortang Giniling na perfect ihain almusal man, tanghalian, o hapunan! Tamang-tama ‘to kapag may leftover giniling ka pa. At sa halagang Php 40-90 lang, siguradong busog ang buong pamilya!
Total Estimated Cost: Php 40 – 90
Ingredients:
- 4 bawang (cloves), minced
- 1 pc sibuyas, chopped
- 2 pcs kamatis, chopped
- ¼ kg giniling na baboy
- 1 pc patatas, peeled and diced
- 1 pc carrot (small), diced
- 2 tbsp vegetable oil
- 6 pcs itlog (medium)
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, giniling na baboy, patatas, at carrot sa vegetable oil at i-season gamit ng ½ sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®
- Maghalo ng itlog at budburan gamit ng natitirang kalahati ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Ilagay at ihalo ang beaten eggs, at lutuin. Takpan ng plato ang pan at baliktarin. Ilagay sa serving plate at samahan ng preferred sauce.
- All-in-One Ginisang Ampalaya at Sardinas
Budget check: Php 90? No problem! Kaya ng cooking powers mong ihain itong All-in-One Ginisang Ampalaya at Sardinas. Bukod sa mayaman sa carbohydrates itong ulam, madali pa siyang lutuin, mura na, at masarap pa!
Total Estimated Cost: Php 70 – 90
Ingredients:
- 4 bawang (cloves), crushed
- 1 pc sibuyas, diced
- 2 pcs kamatis, diced
- 1 can sardines in tomato sauce
- 2 tbsp vegetable oil
- ¼ kg sliced ampalaya, rinsed well
- 2 pcs egg, beaten
- 1 sachet MAGGI® MAGIC SARAP®
- ½ cup tubig
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, and sardinas sa mantika.
- Idagdag ang ampalaya at igisa nang limang (5) minuto. Ihalo ang beaten egg at lutuin.
- Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at maglagay ng ½ cup ng tubig.
- Adobong Kangkong
Mahilig ba sa veggies ang pamilya? Sa budget na Php 50-70, may masarap at masustansya ka nang Adobong Kangkong! Main dish man o side dish, siguradong panalo ‘tong gulay recipe sa gulay-loving mong pamilya!
Total Estimated Cost: Php 50 – 70
Ingredients:
- 1 head bawang, crushed
- 4 pieces shallots, sliced
- 100 g giniling na baboy
- 2 tbsp vegetable oil
- ¼ cup suka
- ¼ tsp peppercorn
- ¼ cup MAGGI® Oyster Sauce
- 1 tbsp brown sugar
- 2 tbsp tubig
- ½ kangkong tender stems and leaves
- 1 tbsp bawang, tustado
Procedure:
- Igisa ang bawang, shallots, at giniling na baboy sa vegetable oil.
- Dagdagan ng suka, paminta, MAGGI® Oyster Sauce, brown sugar, at tubig. Pakuluin nang dalawang (2) minuto.
- Ihalo ang kangkong at lutuin nang dalawa (2) pang minuto. Ilagay sa plato at lagyan ng tustadong bawang.
- Fried Chicken 2-ways (Sweet Chili Sauce)
Kung naghahanap ka ng ulam recipe na masarap at hahanap-hanapin ng kids, subukan mo ‘tong Fried Chicken (Sweet and Chili Sauce) recipe. Mataas na sa protein, abot-kaya pa sa bulsa for only Php 90 or less!
Total Estimated Cost: Php 60 – 90
Ingredients:
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ tsp pamintang durog
- ½ kg chicken legs
- ½ cup harina (all purpose)
- 1 cup vegetable oil
- 2 cloves bawang, minced
- ¼ cup sweet chili sauce
- ¼ cup tubig
Procedure:
- Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at paminta ang hilaw na manok. Lagyan ng harina at iprito hanggang maging golden brown.
- Tanggalin ang oil sa kawali pero mag-iwan ng 2 tbsp. Igisa ang bawang at buhusan ng sweet chili sauce at tubig. Pakuluin hanggang kumapal.
- Ilipat sa serving plate at ihain.
- Misua Patola with Ground Chicken
Para naman sa mga araw na mainit-init na sabaw ang kine-crave ng pamilya, try this Misua Patola with Ground Chicken recipe. For only Php 60 – 100, affordelicious na, masa-satisfy mo pa ang cravings nila!
Total Estimated Cost: Php 60 – 100
Ingredients:
- 2 tbsp vegetable oil
- 4 bawang (cloves), crushed
- 1 pc sibuyas (small), chopped
- ¼ kg ground or chopped chicken
- 1 pc patola (small), sliced
- 4 cups tubig
- 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- 2 bundle miswa
- 1 tbsp sliced spring onions
Procedure:
- Igisa ang bawang, sibuyas and manok.
- Lagyan ng patola at buhusan ng tubig. Pakuluin at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®.
- Haluin ang miswa at spring onion. Isalin sa serving bowl at ihain.
- Tortang Hotdog
Time-saving, budget-friendly (Php 50-60), and oh, so yummy—check lahat ‘yan with this Tortang Hotdog recipe na siguradong magiging go-to baon ni bunso!
Total Estimated Cost: Php 50 – 60
Ingredients:
- 2 bawang (cloves), minced
- 4 pcs itlog, beaten
- 1 pc sibuyas (small), julienned
- 1 tbsp margarine
- 3 pcs (75g) hotdog, sliced
- ¼ cup tubig
- ½ sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
Procedure:
- Igisa ang bawang at sibuyas sa margarine.
- Lagyan ng hotdog at tubig at lutuin hanggang sumingaw ang tubig. Lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP® at itlog.
- Lutuin sa katamtaman na init at haluin. Takpan ng plato at baliktarin. Lutuin ang kabilang gilid nang isang (1) minuto.
- Creamy Burger Patty
Thinking of a dish na mala-restaurant level ang sarap at presentation? Posible ‘yan with our Creamy Burger Patty recipe! Sa budget na less than Php 80, kayang-kaya mo nang ihain ‘tong restaurant favorite sa pamilya!
Total Estimated Cost: Php 60 – 80
Ingredients:
- 10 pcs burger patty
- 2 tbsp vegetable oil
- 2 pcs bawang, minced
- 1 pc sibuyas (small), cut into strips
- ¼ cup sliced button mushroom
- 1 tbsp harina
- 1 ¼ cups tubig
- 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®
- ¼ cup NESTLÉ® All Purpose Cream
- 1 tsp minced parsley
Procedure:
- Iprito ang patty sa vegetable oil hanggang maging golden brown.
- Igisa ang bawang, sibuyas, at mushroom sa parehong pan. Dagdagan ng harina at lutuin ng isa pang minuto. Haluan ng tubig, pakuluin, at lagyan ng MAGGI® MAGIC SARAP®
- Ilagay ang burger sa pan at pakuluin nang dalawang (2) minuto. Dagdagan ng NESTLÉ® All Purpose Cream at parsley.
Tipid sa oras at sa bulsa!
Subukan ang mga All-in-ONEderful recipes na ito. Dahil tipid sa bulsa, siguradong mapapa-wow ka sa sarap na hatid ng affordelicious na mga ulam na ito. Dagdagan mo pa ito ng sarap at aroma gamit ang MAGGI® MAGIC SARAP® na gawa sa sariwang bawang, sibuyas, plus real meat at spices.
Gusto mo pa bang makahanap ng mga tipid meals to cook? Visit our blog for recipes, diskarte tips, and more!